click

Date: 11/12/2010

Buhay Tambay
by Jan-Ian

Paupo upo na parang pensionado, patingin tingin na para bang
maraming iniisip, naglalakad ng walang direksyon at kung pumorma
daig pa si Ninoy nakahalumbaba at naka de-kwatro pa ang paa.
Yan ang tambay, paeasy easy lang parang walang problema.

Ang buhay tambay madalas nag iinuman, nakikipagtawanan at
nakikipagkwentohan. Iniikot ang banal na baso na parang buhay na
walang katotoran. Hinahagkan ng bawat isa na tila nakikipag halikan
kay kamatayan, hawak sa baso parang ayaw pa bitawan. Bawat lunok
hiling problema sanay mabawasan na, bawat buhos oras na ginto
nawawala na. Tungga dito! buhos doon! Masaya ang lahat pag ang
bagong bote, pag asa sa kanila nabuksan na. Perwesyo man sa iba
pag asa sa buhay dumodoble sa paningin nila.

Madalas din sila nagyoyosi, usok na problema ng lahat langit para
sa kanila. Kalawit ni kamatayan hinahanap hanap nila! Isinasabit sa
tenga at ang iba nilalagay sa bulsa, apoy sa lighter nasisilbing
metsa ng buhay. Bawat bugha pangarap unti unting nawawala sa
hangin, bawat hithit buhay minamadali. Isang pirasong yosi
parang anesthetic ang epekto, problemay natatabunan sa usok ni
kamatayan.

Yan ang buhay tambay, isa ka ba sa kanila? Kung ganun gumising ka !
bago pa man maging huli ang lahat.
Bombelya mo hindi na umiilaw, naa abutan ka na ng dilim sa
kakaliwaliw. Umuwi ka na at hinahanap ka na ng ama. Bisyo mo tigilan
mo na dahil hindi ka na nakakatuwa. Bumangon ka at humakbang paisa
isa! Sundan mo ang bituin ng di ka lamunin ng kadiliman.
Huwag ka lumingon dahil la ka na makikita. Halika at naghihintay
sa iyo ang pag asa! Wag kang matakot sa daang tatahakin, wag ka
lang huminto ng bituin mo'y maging araw at kadilimay mawawala.

Blogs
Main