click

Date: 11/27/2010

Kaibigan Ko
by Jan-Ian

Maulan na umaga na naman, kailan kaya ito titigil? naiinis na kasi ako eh! ewan ko ba ba't tuwing emotionally down ako bumobuhos ang ulan, para bang nananadya. Di ko tuloy mapigilan ang ulan sa puso ko, umaapaw na, abot hanggang sa mga mata ko. Ikaw kasi eh! Oo ikaw nga! Ikaw kasi lagi laman ng isip ko. Alam mo ba yun? siguro hindi, kasi di ko naman sinabi sayo na mahal na mahal kita! kung hindi lang sana kita naging kaibigan. . .

Hindi mo siguro pansin kung gaano ka kahalaga sa akin. Alam mo ba ilang beses mo na ako tinulongan? pag may problema ako lagi ka nandyan, lagi mo ako pinapayohan, pinapasaya at binabalik ang pag-asa sa mga mata ko. Para ka ngang isang anghel sa mga mata ko, anghel na wala pakpak, anghel sa katauhan ng matalik kong kaibigan. . .

Hindi ko alam kung paano ito nagsimula, kaibigan lang turing ko sa iyo noon, humanga ako sa pananaw mo sa buhay at pag-ibig, sa pagiging payak mo at kung paano mo tawanan ang lahat. Ngunit ng tumagal, dahan dahang nagbago ang lahat. Parang batong nahulog sa mapayapang tubig, bumaliktad mundo ko at naging makulay ang lahat, masakit ngunit masaya. Akala ko nga simpleng paghanga lang ito, isang simpleng bagay ngunit mahirap intindihin. Pero naramdaman ko, dahan dahan na pala ako nahuhulog sa iyo kaibigan ko. . .

Maraming beses ko na sinubukan ideny ang nararamdaman ko sa iyo. Takot kasi ako sa pweding mangyari pag nalaman mo, takot ako baka isipin mo na namamantala ako sa pagkakaibigan natin, takot ako mawala ka! Kaya ginusto ko itago na lang ito, siguro dahil na rin sa kalagayan ng buhay ko ngaun. Minsan pag nakikita kita magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko. Maraming bagay kasi ako gustong sabihin sa iyo na di ko masabi, napapabulong na lang ako sa aking sarili, "alam mo, mahal na mahal kita kaibigan ko". . .

Lilipas na mga araw at taon, alam ko marami ng magbabago, alam ko sa araw na yun ganun pa rin nararamdaman ko sayo at alam ko mananatili pa rin misteryo sayo itong tibok ng puso ko. Di ko alam kung may iba ka na sa araw na yun, siguro nga meron na, di naman kasi mahirap mahalin ang taong tulad mo, dahil di lang ang ganda mo nagpapatingkad sayo kundi pati din ang kalooban mo, anghel ka nga maituturing sa taong makakilala sa iyo kaibigan ko. . .

Salamat naman tumigil na ang ulan, humupa na rin ang saya at lungkot na nararamdaman ng puso ko. . .
Pero bago ko salubungin ang ganda ng sikat ng araw, gusto kong sabihin ulit,

Kaibigan. . .

Mahal na mahal na mahal kita!!

minahal kita hindi para maging masaya ako kundi dahil gusto ko maging masaya ang isang anghel,
ang anghel na nasa kataohan ng matalik kong kaibigan!


Blogs
Main