Date: 8/21/2011
Isang Basong Walang laman
by Jan-Ian
Eto na naman ako, naglalakbay sa malaya kong isipan.Iniisip sya, sa nalalapit nyang pagbabalik. Habang nakatitig sa isang babasaging baso na walang laman.
Naisip ko tuloy, parang babasaging baso din pala ako, kahit mainit man o malamig ang ibuhos mo, nagpapanggap na matibay at walang paki kung ano man ang mangyari. Di nagpapahalata na nasasaktan, nagseselos at umiiyak.
Di ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito at kung hanggang kailan ako magtitimpi sa tunay kong nararamdaman.Mahal ko sya pero di ko masabi,mahal ko sya pero wala ako magawa.
Tulad din ng isang babasaging baso na walang laman, di nya nakikita ang bagay na sa loob ko, sa mata nya parang empty ako at walang paki alam sa kanya. Pero di nya napapansin, punong puno ako ng pag ibig.Ang baso ko ay laging puno!Sana wag nya bigyan pansin ang nakikita ng mata nya.Sana gamitin nya ang puso nya.Dahil ang baso ko ay lagi puno! Puno ng hangin ng pag ibig.Subukan mo sana damhin ito at mararamdaman mo ang init ng hangin sa loob ng baso na walang laman.
Blogs
Main